December 23, 2024

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

Carlo, mas conscious sa feelings ni Charlie matapos ang kasal nila

Carlo, mas conscious sa feelings ni Charlie matapos ang kasal nila
Photo Courtesy: The Crave Series via Carlo Aquino (FB)

Nausisa ang aktor na si Carlo Aquino kung ano nga ba ang nagbago sa kaniya simula nang pasukin niya ang buhay may-asawa.

Sa ulat ng GMA Entertainment kamakailan, sinabi umano ni Carlo na hindi naman daw siya masyadong nagbago matapos ang kasal nila ng misis na si Charlie Dizon.

“Hindi rin naman siya masyadong iba sa noong hindi pa kami kasal. Ano lang talaga, dapat conscious ka lang sa kung anong nararamdaman ng partner mo,” saad ni Carlo.

“Gano’n din naman kapag hindi kayo mag-asawa. Iba lang ang ano ko ngayon siguro, ‘yong attention to details. Basta mas binibigyan ko na ng importansya yung mga ginagawa ko for her,” aniya.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Dagdag pa ng aktor, kapag pagod daw siya ay si Charlie agad ang tinatawagan niya para marinig ang tawa nito.

“Masaya na ako kapag narinig ko na yung tawa niya,” sabi ni Carlo.

Matatandaang ginanap ang secret wedding nina Charlie at Carlo sa isang private resort sa Silang, Cavite noong Hunyo 9.

MAKI-BALITA: Charlie Dizon, Carlo Aquino ikinasal na! 

Pero bago pa man ito ay nauna nang napag-usapan ang kasal ng dalawa sa showbiz-oriented vlog ni showbiz insider Ogie Diaz.

MAKI-BALITA: Kasal nina Carlo, Charlie may petsa na?