How true nga bang lilimitahan na ng aktor na si Carlo Aquino ang pagiging malapit niya sa ibang babae lalo na ngayong mayroon na siyang asawa?
Sa ulat ng GMA Entertainment kamakailan, ibinahagi niya ang naging pagbabago sa pagkatao niya simula nang maikasal sila ng misis niyang si Charlie Dizon.
Ayon sa kaniya, bagama’t wala raw malaking pagbabago sa pagtrato niya kay Charline, mas binibigyan na raw niya ng importansya ang bawat ginagawa niya ngayon para sa asawa.
MAKI-BALITA: Carlo, mas conscious sa feelings ni Charlie matapos ang kasal nila
Kaya naman, hindi rin naiwasang usisain ang aktor kung hindi na siya magiging malapit sa ibang mga babae.
Pero tugon niya, “Malapit ako sa mga tao, lalo na ngayon. Pero iba na ‘yong pagiging sobrang komportable, ‘di ba, kasi may asawa na ako. May boundaries na.”
Matatandaang ginanap ang secret wedding nina Charlie at Carlo sa isang private resort sa Silang, Cavite noong Hunyo 9.
MAKI-BALITA: Charlie Dizon, Carlo Aquino ikinasal na!
Pero bago pa man dumating si Charlie sa buhay ni Carlo, nakarelasyon muna niya si Trina Candaza at nagkaroon sila ng anak na si Mithi.