Kinumpirma ng Akbayan na nakatakdang maghain ng impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte ang iba’t ibang grupo dakong 2:30 ng hapon ngayong Lunes, Disyembre 2.
Ayon sa ulat, kasama sa mga grupo ng maghahain ng reklamo upang patalsikin sa puwesto si Duterte ay ang advocacy groups, civil society organizations, religious leaders, sectoral representatives at mga pamilya umano ng mga biktima ng Oplan Tokhang ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
I-eendorso raw ni Akbayan Party-list Representative Perci Cendaña ang naturang unang impeachment complaint laban sa bise presidente.
Ito ay isang developing story.