December 02, 2024

Home BALITA National

4.3-magnitude na lindol, tumama sa Surigao del Norte

4.3-magnitude na lindol, tumama sa Surigao del Norte
Courtesy: Phivolcs/FB

Isang magnitude 4.3 na lindol ang tumama sa Surigao del Norte nitong Lunes ng umaga, Disyembre 2, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 5:42 ng umaga.

Namataan ang epicenter nito 30 kilometro ang layo sa hilagang-silangan ng Burgos, Surigao del Norte, na may lalim na 24 kilometro.

Naiulat ang Instrumental Intensity I sa City of Surigao, SURIGAO DEL NORTE.

National

‘Very concerning!’ PBBM, ikinabahala namataang Russian attack submarine sa WPS

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.

Hindi rin daw inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.