Nagbalik-tanaw si Kapuso star Rhian Ramos sa naging nakaraan nila ng kaniyang “Huwag Mo Akong Iiwan” co-star na si JC De Vera.
Sa ulat ng Philippine Entertainment Portal (PEP) kamakailan, inilarawan ni Rhian ang relasyon nila noon ni JC bilang "young love, sweet love" na tumagal ng pitong buwan.
Aniya, "I was eighteen. Oo nga, dun ako nag-debut sa show na yon. So, yun nga, young love, sweet love na era."
“Everything was so new and exciting. I didn’t really have a lot of experience having a romantic relationship or anything. And then, it also helps na no’ng time na ‘yon, may mga fans kami na happy sila for us, ine-encourage kami,” saad ni Rhian.
Dagdag pa niya, “It was just happy and kilig. Definitely, [we're] less mature back then and I don’t think any of us was thinking of forever yet."
Kaya naman nang lumipat na ng TV network si JC ay naputol na rin paunti-unti ang relasyon nila hanggang sa nawalan na sila ng pagkakataong magkumustahang muli.
Pero sa kabila ng maraming pagbabagong nangyari sa buhay nila, masaya raw si Rhian na muling makatrabaho si JC.
Ayon sa kaniya, “It’s so nice to come and work with him again."
Matatandaang nagbigay na rin ng reaksiyon si JC hinggil sa pagbabalik-tambalan nila ni Rhian sa pelikulang “Huwag Mo Akong Iiwan” na idinirek ni Joel Lamangan.
MAKI-BALITA: JC De Vera nang muling makatrabaho si Rhian Ramos: 'Akala ko magkakapaan kami'