May 22, 2026

Home SHOWBIZ Pelikula

JC De Vera nang muling makatrabaho si Rhian Ramos: 'Akala ko magkakapaan kami'

JC De Vera nang muling makatrabaho si Rhian Ramos: 'Akala ko magkakapaan kami'
Photo Courtesy: JC De Vera, Rhian Ramos (IG)

Nagbigay ng reaksiyon ang Kapamilya actor na si JC De Vera sa muling pagsasama nila ni Kapuso actress Rhian Ramos sa isang  bagong proyekto.

Sa ulat ng Philippine Entertainment Portal (PEP) kamakailan, sinabi ni JC na wala naman daw nagbago sa kanila ni Rhian sa kabila ng mahabang panahong hindi sila nagkatrabaho.

“Walang feeling na, alam mo yon? Kasi matagal kaming hindi nagka-work, akala ko magkakapaan kami, pero hindi. We’re still the same,” saad ni JC.

Dagdag pa niya: “Maayos naming nagawa yung project namin tapos walang ilangan. Very comfortable pa rin as in professionally natapos namin ‘yong mabibigat na eksena naming hindi kami nagkaroon ng maraming takes.”

Matatandaang nagkasama sina JC at Rhian noong 2008 sa “La Lola” ng GMA Network. At ang tsika pa nga ay nagkaroon sila ng pagkakataon makapag-date.

Pelikula

Maria Ozawa, bet sumabak sa VMX

“Normal naman kasi yata na kapag mayro’n kang naka-partner before, nali-link talaga kayo mutually na parang… meron naman. Siguro bonding, more on bonding,” sabi ng aktor.

Ngunit para kay JC, irrelevant na raw kung pag-uusapan pa kung nagka-something ba sila ni Rhian dahil pare-pareho na silang may sariling buhay.

Anyway, ang bagong proyekto nina JC at Rhian ay ang pelikulang “Huwag Mo ‘Kong Iwan” na idinirek ni award-winning director Joel Lamangan.