Nagbigay ng paglilinaw ang showbiz insider na si Ogie Diaz kaugnay sa warrant of arrest na umano’y isinilbi kina Manny Pacquiao at Rufa Mae Quinto.
Sa latest episode ng “Showbiz Updates” nitong Sabado, Nobyembre 30, sinabi ni Ogie na ipinagtanggol daw ng isang source na nakausap niya si Pacquiao.
“‘Yong isang nakausap natin, ipinagtanggol si Manny Pacquiao,” saad ni Ogie. “Nilinaw nito na hindi ang tipo ni Manny ang papasok sa panghihimok ng isang investor na mag-invest sa Dermacare.
Dagdag pa niya, “Yes, mayroon daw itong franchise at brand ambassador din noong 2020 ngunit hanggang doon lang ‘yon.”
Samantala, kaugnay naman kay Rufa, ang komedyante lang daw ang nabigyan ng warrant of arrest sang-ayon sa tsika ng source ni Ogie.
Pero isang malapit umano kay Rufa ang nagduda sa pagkakadawit nito sa isyu dahil endorser lang din naman umano ang komedyante at hindi naglikom ng pera para magpapasok ng mga investor.
In fact, bukod sa hindi pa raw nababayaran nang buo ng Dermacare, natalbugan pa si Rufa ng tseke!
Matatandaang sa panayam ng abogado ng mga nagdemanda kay Neri Naig ay sinabi nitong may isang aktres at ilang politiko raw na sangkot din sa kaparehong kasong kinakaharap ng wais na misis.
MAKI-BALITA: Aktres, ilang politiko posibleng masangkot sa kaso ni Neri
Pero bago pa man ito, nauna nang inispluk ni Ogie ang nasagap niyang kuwento na nasilbihan umano ng warrant of arrest sina Pacquiao at Rufa.
MAKI-BALITA: Ispluk ni Ogie: Rufa Mae Quinto, Manny Pacquiao sinilbihan ng warrant of arrest?