December 09, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Aktres, ilang politiko posibleng masangkot sa kaso ni Neri

Aktres, ilang politiko posibleng masangkot sa kaso ni Neri

Kinumpirma mismo ng abogado ng mga complainant na nagreklamo laban sa dating aktres at negosyanteng si Neri Naig Miranda, na si Atty. Roberto Labe, na may isang aktres at ilang politiko ang posibleng madamay sa kasong kinasasangkutan din ng misis ni Parokya ni Edgar lead vocalist Chito Miranda.

Sa panayam ng ABS-CBN News kay Labe na umere sa TV Patrol nitong Biyernes, Nobyembre 29, sinabi niyang bukod sa mga kasama ni Neri, sangkot din umano ang isang aktres at ilang political figures dito na umano'y nag-endorso rin sa Dermacare, ang inirereklamong beauty and wellness clinic na nanghihikayat umano ng investment sa kanila.

Nabanggit ng abogado na ang isa raw ay nasa Caloocan City, at ang isa naman ay nasa Cebu, at marami pa, dahil national daw ang scope o sakop ng kanilang panghihikayat sa publiko na mag-invest.

Tinatayang aabot naman sa ₱1B ang investment na umano'y hinahanap ng mga nagrereklamong investors kina Neri at sa iba pang mga kasama.

Tsika at Intriga

Valentine, dinogshow si Maris: 'Kailangan talaga OOTD si Sadness?'

Tiniyak naman ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) na wala silang special treatment kay Neri kahit na celebrity ito. Limitado lamang daw talaga ang puwedeng idetine Pasay City Jail Female Dormitory, at makakasama sila ni Neri dito.

Patungkol naman sa nabanggit na mga posibleng madawit sa kaso, tinalakay ng showbiz insider na si Ogie Diaz ang kumakalat na tsika patungkol kina Rufa Mae Quinto at re-electionist sa pagkasenador na si Manny Pacquiao, na pawang brand ambassador at franchisee ng nabanggit na klinika.

MAKI-BALITA: Ispluk ni Ogie: Rufa Mae Quinto, Manny Pacquiao sinilbihan ng warrant of arrest?

Samantala, wala pang inilalabas na opisyal na pahayag ang kampo ni Neri tungkol sa isyu. Nangako naman ang legal counsel ng dating aktres-negosyante na si Atty. Aurelio Sinsuat na maglalabas sila ng opisyal na pahayag kapag handa na sila.

MAKI-BALITA: Neri Miranda, posibleng magdiwang ng Pasko sa Pasay City Jail