Usap-usapan ang pag-flex ng singer na si Gerald Santos sa pagkikita nila ng Sparkle GMA artist na si Sandro Muhlach, sa isang event noong Nobyembre 27.
Makikitang magkasama sa larawan ang dalawa na may common denominator sa isa't isa.
Pareho silang nagrereklamo ng pangmomolestya mula sa mga personalidad sa showbiz.
"Kahapon, finally ay nagkita na kami ng personal ni Sandro Muhlach! It's nice to meet you bro!" anang Gerald sa kaniyang Facebook post.
"I'm here to support in every way i can!" saad pa ni Gerald na may hashtag "#justiceshallprevail."
Matatandaang sinampahan ng kasong sexual harassment ni Sandro ang dalawang inireklamong GMA independent contractors na sina Jojo Nones at Richard Cruz, matapos umano siyang molestyahin noong gabi matapos ang GMA Gala.
MAKI-BALITA: Dalawang independent contractors na inireklamo ni Sandro, kinasuhan na ng DOJ
Si Gerald naman ay lumutang ulit kamakailan matapos niyang pangalan ang taong umano'y nangmolestya sa kaniya noong tinedyer pa siya, na walang iba kundi ang musical director na si Danny Tan.
Pagkatapos lumutang ni Gerald ay lumitaw rin ang isa pang singer na si Enzo Almario na nagrereklamo rin laban sa musical director.
KAUGNAY NA BALITA: Enzo Almario, nagustuhan ginawa sa kaniya ni Danny Tan kaya 'di umalma?
KAUGNAY NA BALITA: 1 pang biktima ng musical director na gumahasa umano kay Gerald Santos, lumitaw!
Samantala, hanggang ngayon ay wala pa ring tugon, reaksiyon, o pahayag ang pinangalanang musical director laban sa mga isyung ibinabato sa kaniya.
KAUGNAY NA BALITA: Danny Tan, tikom pa rin ang bibig sa kinasasangkutang isyu