November 28, 2024

Home BALITA National

Sa gitna ng girian: PBBM, minsan lang nagsalita vs VP Sara – Rep. Abante

Sa gitna ng girian: PBBM, minsan lang nagsalita vs VP Sara – Rep. Abante
MULA SA KALIWA: Rep. Benny Abante (Photo: MJ Salcedo/BALITA, Pres. Bongbong Marcos (file photo) at VP Sara Duterte (file photo)

“He’s more concerned about the plight of our people…”

Iginiit ni Manila 6th District Rep. Benny Abante na minsan lang nagsalita si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa gitna ng girian nila ni Vice President Sara Duterte dahil nakatutok daw ito sa kapakanan ng mga Pilipino. 

“Si President Marcos naman eh ngayon lang nagsalita eh. Tahimik siya eh,” pahayag ni Abante nang tanungin ng Balita hinggil sa giriang Marcos-Duterte, sa gitna ng isinagawang Machra's Balitaan sa Harbor View nitong Huwebes, Nobyembre 28,

“He’s more concerned about the plight of our people more than anything else,” dagdag niya.

National

Abante, nakiusap kina PBBM, VP Sara na itigil na girian: ‘Mag-concentrate tayo sa bayan natin’

Samantala, sinabi rin ng mambabatas na mas maganda raw kung mas pagtutuunan ni Duterte ang pagtulong sa mga tao kaysa “pag-atake” sa administrasyon,

“Ang advice ko lang kay Vice President, eh sabi niya hindi siya makakapunta sa ibang mga hearings namin sapagka’t she will be more occupied sa gawin ng isang vice president, so maganda yun kung talagang she will confine herself in helping our people more than attacking the administration,” saad ni Abante.

Matatandaang noong Sabado, Nobyembre 23, nang isiwalat ni Duterte na mayroon na raw siyang napagbilinang indibidwal na kung pinatay raw siya, papatayin naman umano nito ang pangulo at maging sina First Lady Liza Araneta-Marcos at House Speaker Martin Romualdez.

MAKI-BALITA: VP Sara, may binilinan na raw: ‘Kapag pinatay ako, patayin mo si PBBM, FL Liza, Romualdez!

Binuweltahan naman ni PBBM sa isang pahayag nitong Lunes si VP Sara, kung saan iginiit niyang hindi ito dapat palampasin.

MAKI-BALITA: PBBM sa 'death threats' ni VP Sara sa kaniya: 'Yan ay aking papalagan!'

Samantala, sa isang panayam noong Martes,  Nobyembre 26, sinang-ayunan ng bise presidente ang naging pahayag ng kaniyang amang si dating Pangulong Rodrigo Duterte na “drug addict” umano si Marcos.

MAKI-BALITA: VP Sara, sang-ayon sa 'assumption' ni FPRRD na 'drug addict' si PBBM