November 26, 2024

Home BALITA National

Davao Occidental, niyanig ng 4.8-magnitude na lindol

Davao Occidental, niyanig ng 4.8-magnitude na lindol
Courtesy: Phivolcs/FB

Niyanig ng magnitude 4.8 na lindol ang Balut Island sa Sarangani, Davao Occidental dakong 11:32 ng umaga nitong Martes, Nobyembre 26, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Base sa tala ng Phivolcs, tectonic ang pinagmulan ng lindol.

Namataan ang epicenter nito 147 kilometro ang layo sa timog-silangan ng Balut Island, na may lalim na 10 kilometro.

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.

National

VP Sara, nahainan na ng subpoena ng NBI

Hindi rin daw inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.

Matatandaang kanina lamang 3:18 ng madaling araw nang yanigin din ng magnitude 4.5 na lindol ang Balut Island.

MAKI-BALITA: Magnitude 4.5 na lindol, tumama sa Davao Occidental