Yumanig ang isang magnitude 4.5 na lindol sa probinsya ng Batanes nitong Lunes ng tanghali, Nobyembre 25, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 12.32 ng tanghali.
Namataan ang epicenter nito 106 kilometro ang layo sa timog-silangan ng Basco, Batanes, na may lalim na 270 kilometro.
Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.
Hindi rin daw inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.