Niyanig ng magnitude 4.0 na lindol ang probinsya ng Surigao del Sur dakong 10:31 ng umaga nitong Linggo, Nobyembre 24, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Base sa tala ng Phivolcs, tectonic ang pinagmulan ng lindol.
Namataan ang epicenter nito 29 kilometro ang layo sa hilagang-silangan ng Hinatuan, Surigao Del Sur, na may lalim na 16 kilometro.
Ito ay isang aftershock mula sa magnitude 7.4 na lindol na yumanig sa baybayin ng Surigao del Sur noong Disyembre 2, 2023.
Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks o pinsala ng lindol.