December 27, 2024

Home SHOWBIZ

Claudine inokray-okray sa paghahanap ng 'multi-tasker' na PA, rumesbak

Claudine inokray-okray sa paghahanap ng 'multi-tasker' na PA, rumesbak
Photo courtesy: Claudine Barretto (IG)

Umani ng katakot-takot na kritisismo ang Instagram post ni Optimum Star Claudine Barretto tungkol sa paghahanap niya ng personal assistant na may alam sa accounting, sanay sa puyatan, at kayang ayusin ang kaniyang schedule pati na ng mga anak niya.

Batay sa kaniyang Instagram post noong Nobyembre 19, nagpapatulong siya sa kaniyang mga tagasuporta at tagahanga na makahanap ng isang mapagkakatiwalaang PA.

Bukod dito, kailangan din itong multitasker na gaya niya, malinis, at organisado.

"palanggas pls help me find pwedeng stay in na secretary,Personal assistant na sana sanay sa puyatan at very masipag,ma respeto .better if yung Personal assistant may experience din sa accounting.yung every Friday i rereport how much kinita at how much ang nabawas at kung saan ginamit yung money.take care of the schedule ko at mga bata.also sya magpapatakbo ng lahat sa bahay namin & sanay sa puyat kasi ganun po talaga sa shootings/tapings.yung masipag,alerto,multitasker gaya ko po.at important very neat & organized."

Tsika at Intriga

Moira Dela Torre, pinakawalan na ng management dahil sa attitude problem?

"pls pray na tamang tao sng makukuha ko to be an assistant.pls send you're bio data/resume,NBI CLEARANCE.kindly send all requirements to [email protected] to hear from all of u the soonest please pray for the perfect personal assistant/accountant.maraming maraming salamat po sa inyo.thank u for the help in advance.Godbless po sa inyong lahat ," mababasa pa sa kaniyang Instagram post.

Marami naman sa mga netizen ang nagtaas ng kilya at sinabing sa dami raw ng mga ipapagawa ni Claudine sa hinahanap niyang PA ay baka mahirapan siyang makahanap, dahil binabasa pa lamang daw ay parang nakakapagod na.

Nagtanong din ang mga netizen kung magkano naman ang ipapasahod niya sa matatanggap na PA.

Isang netizen pa ang nagbigay ng suhestyon kay Clau na dapat ay dalawang tao ang kunin niya sa trabahong ito.

"Ang personal assistant at account isang tao na! Ang manage your house to be clean and tidy at mga bata is a serious job. If isang tao lang to. Di po yan tatagal. Need po ng rest ng tao. Pwede mo din sila Palitan para balance. Patas din saba sa salary offer. GODBLESS po Idol," saad ng nabanggit na netizen.

Bagay na sinagot naman ni Claudine.

"Personal assistant na may experience sa accounting po. yung weekly expenses lang amg i rereport. my Kids all go to school i wake up afternoon na.ayusin lang schedule namin dahil may Personal assistant na ako so im getting another P.A coz mag sa start na work. so Anong mahirap sa work na rine require ko if 6am alis ng kids at mga 4 to 5pm balik."

Hirit pa niya, "sana bago mag complain mag isip muna kaya tayo d umuunlad d pa nag wowork ang dami ng complain.at may CPA po ako for my BIR .important lang ini rereport magkano nagastos sa buong week."

Paliwanag pa ni Claudine, may iba pa silang helpers sa bahay kaya hindi niya ipagagawa sa iha-hire na PA ang mga trabaho nila.

Binisita ng Balita ang Instagram post ni Claudine, na bagama't naka-post pa ito doon at hindi naman binura kahit maraming bashers, ay nakasarado naman na ang comment section.

MAKI-BALITA: 'Baka ikaw na 'to? Claudine, naghahanap ng PA na sanay sa puyatan