Inamin ng komedyanteng si Betong Sumaya na may isang pagkakataon daw na hindi siya
nakapagtimpi kaya nagawa niyang patulan ang isang basher.
Sa latest episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” kamakailan, ikinuwento ni Betong kung paano siya humantong sa sitwasyon.
“During ‘All-Out Sundays’ ‘yon before. So, lahat po kami parang shoot from home. Mayro’n pongnisang segment na talagang ayaw na ayaw no’ng isa [nanonood],” saad ni Betong.n
Dagdag pa ng komedyante, “Tapos parang sinabi niya, ‘wala kang kuwenta. Hindi kan
nakakatulong sa ratings. Wala kang karapatan sa AOS.’ Parang gano’n.”
Kaya naman, tinawagan daw ni Betong sa Instagram ang nasabing basher para komprontahin.
“Sabi ko, ‘salamat sa comment mo, ha. Tinatanggap ko ‘yong comment mo. Pero tanggapin mo rin ang comment ko. Trabaho lang ‘to. [...] Kung ‘di mo gusto, may choice ka na ‘wag kang manood,” lahad niya.
Pero ang mas nakakaloka, may previous conversation daw pala sila ng basher niya sabi ni Betong. Ayon sa kaniya, humihirit daw ng video greet para sa anak nito.
Sa huli, humingi naman daw ng paumanhin ang basher sa mga nasabi kay Betong dahil guston
lang umano nitong sabihin ang nararamdaman.
Para kanino? Sen. Imee Marcos, naispatan sa Veterans Memorial Medical Center