November 23, 2024

Home BALITA National

VP Sara, wala raw dahilan para patayin si PBBM: ‘Buti kung tagapagmana ako ng nakaw na yaman!’

VP Sara, wala raw dahilan para patayin si PBBM: ‘Buti kung tagapagmana ako ng nakaw na yaman!’
VP Sara Duterte at Pres. Bongbong Marcos (Santi San Juan/MB; Facebook)

Iginiit ni Vice President Sara Duterte na wala umano siyang dahilan upang patayin si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. 

Sa panayam ng mga mamamahayag nitong Sabado ng hapon, Nobyembre 23, may nilinaw si Duterte sa kaniyang naunang pahayag na mayroon na raw siyang napagbilinang indibidwal at sinabihang kung pinatay raw siya, papatayin naman umano nito sina PBBM at maging sina First Lady Liza Araneta-Marcos at House Speaker Martin Romualdez.

MAKI-BALITA: VP Sara, may binilinan na raw: ‘Kapag pinatay ako, patayin mo si PBBM, FL Liza, Romualdez!’

Paglilinaw ni Duterte sa naturang panayam, hindi umano pagbabanta sa pangulo ang kaniyang mga pahayag, kundi tungkol daw sa pangamba sa kaniyang buhay.

National

OFW sa Middle East, panalo ng ₱37M sa Super Lotto

MAKI-BALITA: 'It's a concern about my death!' VP Sara, may nilinaw sa ‘banta’ niya vs PBBM

Ayon pa sa bise presidente, wala raw siyang makukuhang “benefit” kung mamamatay si PBBM at maging si FL Liza.

“Bakit ko raw siya papatayin if not for revenge from the grave? There’s no reason na papatayin ko siya. Anong benefit noon sa akin? Papatayin ko si Liza, anong benefit noon sa akin? Wala,” giit ni Duterte.

“Buti sana kung tagapagmana ako ng nakaw na yaman. Hindi naman. So anong benefit non kapag nawala sila dito sa mundong ito, for them to say there’s a threat? Sa threat ko nga wala silang pakialam,” saad pa niya.

Matatandaang ilang oras matapos ang naunang pahayag ng bise presidente hinggil sa napagbilinan umano niyang tao na patayin sina PBBM kung mapatay siya, naglabas ng pahayag ang Malacañang at sinabing nakipag-ugnayan na ang Executive Secretary sa Presidential Security Command upang aksyunan ang naturang tinawag nilang “active threat” laban sa pangulo.

MAKI-BALITA: Pahayag ni VP Sara, ‘active threat’ sa buhay ni PBBM — Malacañang