December 27, 2024

Home SHOWBIZ

'Ang sakit!' Coco Martin, isinumpa noon ang ABS-CBN

'Ang sakit!' Coco Martin, isinumpa noon ang ABS-CBN
Photo Courtesy: Screenshot from Ogie Diaz (YT), ABS-CBN (FB)

Tila hindi pala naging maganda ang tingin ng ABS-CBN kay Kapamilya Primetime King Coco Martin noong nagsisimula pa lang siya sa larangan ng pag-arte.

Sa ikalawang bahagi ng “Ogie Diaz Inspires” kamakailan, ibinahagi ni Coco kung bakit sumama ang loob niya sa kasalukuyang kompanyang pinagtatrabahuhan niya ngayon.

Ayon sa kaniya, dalawang beses daw siyang tinanggihan ng ABS-CBN dahil ang tingin sa kaniya nito ay bold star sa mga indie at gay film tulad ng “Masahista” at “Serbis” na parehong idinirek ni Brillante Mendoza.

“Ba’t gano’n? Samantala no’ng ginagawa ko ‘yong mga trabaho ko, hindi ko siya tinitingnan na bold star ako o ano. Ang tinitingnan ko sa kaniya, pelikula siya,” saad ni Coco.

Anak ni Pokwang, gustong palayasin ng ex-partner ng ina matapos mabuntis nang 'di kasal

“E, kailangan kong maghubad, e. Parte ‘to ng pag-arte ko. ‘Yon ‘yong eksena, anong gagawin ko?” pangangatwiran pa niya.

Kaya sinumpa raw talaga ng aktor ang ABS-CBN dahil sa ganitong pagtingin sa ginagawa niya.

Aniya, “Sinumpa ko talaga. Kasi ang sakit, e. Ang baba ng tingin sa ‘yo tapos ikaw ang taas ng respeto mo sa trabaho mo.”

Pero dahil daw sa pangugumbinse sa kaniya ng namayapang aktres na si Jaclyn Jose, sinubukan daw muli ni Coco na makatawid sa mainstream. Kaya napabilang siya sa teleseryeng “Ligaw Na Bulaklak.”

“Sabi sa akin ni [Jaclyn], ‘sige na, ‘nak. Para sa akin. Tapos after nito, kapag hindi pa rin natuloy ‘to, ‘wag ka nang mag-TV kahit kailan,’” lahad ni  Coco.