November 23, 2024

Home SHOWBIZ

Agot Isidro sa napanood na video: 'Na-scam talaga mga botante!'

Agot Isidro sa napanood na video: 'Na-scam talaga mga botante!'
Photo Courtesy: Agot Isidro (FB)

Nagbigay ng reaksiyon ang aktres na si Agot Isidro kaugnay sa isang video na napanood niya raw.

Sa X post ni Agot nitong Sabado, Nobyembre 23, mababasa ang kaniyang sentimyento sa nasabing video.

“Just saw the video. Na-scam talaga mga botante. Sa mga bumoto ng tama, itaas ang kamay. ‍” saad ng aktres.

Bagama’t walang binanggit na detalye si Agot, mahihiwatigan naman sa mga comment section na ang pinanood niyang video ay tungkol sa kasalukuyang girian sa politika. Narito ang ilang hanash ng netizens:

Matapos makaharap si Marian: Sassa Gurl, na-realize 'di siya perpektong tao

"Nakakahiya man pero nabudol kami ‍‍‍ at kahit sinong president niya. Mas lalo siyang magwawalang hiya.  Ganyan ang gagawin niya pala "

"Ang sarap lang isipin na tama yung binoto ko "

"‍ still and always proud of my vote "

" 1 of 15M na nanindigan.. Liwanag sa Dilim "

"Malinis kunsensya ko, diko binoto mga Duterte. Duda ako sa mga pagkatao nyan una pa lang. Masakit dito, damay damay. Yung iba nag sisisi na. Problema yung mga nauto, nabudol, nakinabang, mga nagbulagbulagan, at mga naging enabler. Until now, hindi umaamin. Yung iba  bulag pa rin."

"Loud and Proud. As of today, spectators lang tayo sa drama nila hahah"

"Miss @agot_isidro isa po ako sa bumoto sa tama"

"‍Hinding hindi nagsisisi na si VP Leni at Sen. Kiko ang sinuportahan ko..."

Matatandaang isiniwalat ni Vice President Sara Duterte sa isang virtual press conference na kung sakali raw na ipapatay siya ay may tao na raw siyang binilinan upang patayin sina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., First Lady Liza Araneta-Marcos at House Speaker Martin Romualdez .

MAKI-BALITA: VP Sara, may binilinan na raw: ‘Kapag pinatay ako, patayin mo si PBBM, FL Liza, Romualdez!’