May 06, 2025

Home BALITA National

4.3-magnitude na lindol, tumama sa Catanduanes

4.3-magnitude na lindol, tumama sa Catanduanes
Courtesy: Phivolcs/website

Isang magnitude 4.3 na lindol ang tumama sa probinsya ng Catanduanes nitong Huwebes ng madaling araw, Nobyembre 21, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 3:30 ng madaling araw.

Namataan ang epicenter nito 70 kilometro ang layo sa timog-silangan ng Baras, Catanduanes, na may lalim na 18 kilometro.

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.

National

Ombudsman, inatasan 5 gov’t officials na sagutin reklamo ni Sen. Imee ukol sa pag-aresto kay FPRRD

Hindi rin daw inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.