December 22, 2024

Home SHOWBIZ

SB19 Josh Cullen, hiniritan ng mana si Amy Perez

SB19 Josh Cullen, hiniritan ng mana si Amy Perez
Photo Courtesy: Josh Cullen, Amy Perez (FB)

Nakakaloka ang hirit ni SB19 member Josh Cullen sa “It’s Showtime” host na  si Amy Perez.

Sa isang X post kasi ni Amy kamakailan, naitanong niya kay Josh kung magkamag-anak ba silang dalawa.

“Look [Josh] ‘yong Lola mo pala pinsan ng mama ko so pamangkin kita? Tama ba?” saad ni Amy sa post.

Tugon naman ni Josh, “Tama po! Ibig sabihin po ba nun pwede niyo na ko bigyan ng mana? ”

Relasyon at Hiwalayan

Julia sa pagmamahal ni Marjorie kay Gerald: 'I really appreciate it!

Hindi naman nagpaawat ang “It’s Showtime” host sa komento ni Josh kaya sinagot niya ito, “Hahahaha mana agad? Mas mayaman ka sa akin! ”

Kaya naman komento ng netizens, literal na “Tiyang Amy” na ni Josh ang “It’s Showtime” host. Narito ang ang iba pang mga komento:

"Grabe small world talagaaaa"

"Hala tiyang pala talaga (wink)"

"Naalala ko sinabi  ni Stell, na parang daga si Josh lahat kasi ng puntahan may kamaganak hahah"

"Let me check sa side din ng lolo ko HAHAHAHAHHA"

"Hahaha plot twist Bunso keln mo ididate si Tyang @justintdedios"

"Wow @tyangamyp kaya pla same kau na parang ndi tumatanda"

"halaaaa!!! nasa dugo mo pla tlga ang showbizness joshieee!! alam ko pinsan ni tyang Amy si Ms. Zsazsa P. at Ms. Lorna T. haha char! kinonek-konek q lng po haha"