December 22, 2024

Home SHOWBIZ Pelikula

Coco Martin sa Ang Panday: 'Kung pangit hindi ko na ipapalabas'

Coco Martin sa Ang Panday: 'Kung pangit hindi ko na ipapalabas'
Photo Courtesy: Coco Martin (IG), James Banaag (X)

Isiniwalat ni Kapamilya Primetime King Coco Martin ang dahilan kung bakit pinili niyang idirek at i-produce ang pampitong installment ng “Panday.”

Sa latest episode ng “Ogie Diaz Inspires” kamakailan, sinabi ni Coco na naisip daw niyang gumawa ng sariling pelikula na siya ang bibida matapos niyang sumabit-sabit sa pelikula ng mga malalaking artista.

“Sabi ko sa sarili ko, siguro naman kahit papaano may manonood na sa akin kapag gumawa ako ng sarili kong pelikula. [...] Tutal, ginagawa ko ‘yong ‘Ang Probinsyano,’ bakit hindi ‘yong ‘Ang Panday?’” lahad ni Coco.

Pero ang problema raw niya ay kung sino ang magdidirek at magpo-produce nito. Nag-aalala raw kasi siya na baka hindi kumita at makasira pa siya ng buhay ng iba.

Pelikula

Julia Montes, dinaig sa bakbakan si Coco Martin

Ayon kay Coco, “Baka mamaya hindi kumita. Makasira pa ako ng buhay. Siyempre, alam kong malaking pera, e. Ang ginawa ko, ako na. Pikit-mata.

“Tapos, sabi ko, tutal ako ang producer ako na lang magdidirek. At least kung pangit…hindi ko na ipapalabas.” dugtong pa niya.

Pero awa ng Diyos, naitawid naman ni Coco ang first movie niyang siya ang producer at director sa parehong pagkakataon. 

Sa katunayan, ayon sa kaniya, pumangalawa raw ang “Ang Panday” sa “Gandarrapiddo! The Revenger Squad” ni Unkabogable Star Vice Ganda sa kumitang pelikula noong Metro Manila Film Festival 2017.