May 21, 2026

Home BALITA National

Sen. Bato, tinulak 2 babaeng NBI na magsisilbi sana ng arrest warrant—Matibag

Sen. Bato, tinulak 2 babaeng NBI na magsisilbi sana ng arrest warrant—Matibag
Photo courtesy: via MB

Nilinaw sa publiko ni National Bureau of Investigation (NBI) Director Atty. Melvin Matibag na dalawang babaeng agent lang daw ang ipinadala nila upang isilbi ang warrant of arrest ng International Criminal Court (ICC) laban kay Sen. Ronald “Bato” dela Rosa ngunit tinulak daw ng senador ang nasabing mga ahente. 

Ayon sa naging paliwanag ni Matibag sa panayam sa kaniya ng media nitong Miyerkules, Mayo 13, kinumpirma niyang dalawang babaeng NBI agent lang daw talaga ang ipinadala nila sa Senado noong Lunes, Mayo 11.

“Dalawa lang. Dalawang babae pa,” pagsisimula niya. 

Ani Matibag, sumakay daw si Dela Rosa sa sasakyan ng kasamahan nitong senador para makapasok sa Senado, ngunit ayaw na raw niyang sabihin kung sino iyon.

‘Ang nangyari kasi sumakay sa sasakyan ng isang senador. I would rather not mention who the senator is,” aniya. 

National

PNP, susunod sa kautusan ng DOJ na ipatupad arrest warrant ng ICC vs Sen. Bato

Sa kabila nito, personal namang inamin ni Sen. Alan Peter Cayetano nito ring Miyerkules na sumakay si Dela Rosa sa kaniyang sasakyan para makapasok sa Senado.

Anang NBI director, sinadya raw nilang magpadala ng dalawang babaeng NBI agent para magsilbi ng warrant laban kay Dela Rosa sa pag-aakala nilang mapayapang makikinig ang senador. 

“No’ng nag-start na ‘yong session, nagse-session, parang maluwag na roon. Nandoon ‘yong dalawang babae namin na ahente,” kuwento niya. 

Dagdag pa niya, “Actually purposely ding babae kasi we were expecting na iseserive ‘yong warrant sa kaniya. He will be professionally na, peace from the law enforcement. He will understand.” 

Pagpapatuloy ni Matibag, tinulak na raw ni Dela Rosa ang dalawang babaeng NBI agent nang malaman niyang sisilbihan siya ng warrant of arrest mula sa ICC. 

“No’ng nalaman niya na iseserve sa kaniya, sinasabi nang NBI, ganiyan, tinackle na niya. Tinulak na niya ‘yong dalawang agent,” pagtatapos pa niya. 

Matatandaang naging mainit ang tensyon sa Senado noong Lunes nang magawang takbuhan ni Dela Rosa ang mga opisyal ng NBI matapos siyang habulin ng mga ito sa pagdalo niya sa kanilang sesyon. 

KAUGNAY NA BALITA: 'Hinarang ako!' Sen. Bato, galit na sumulpot sa Senado