December 22, 2024

Home BALITA Metro

Para may ipagyabang: Lalaki, nagnakaw umano ng motor

Para may ipagyabang: Lalaki, nagnakaw umano ng motor
Photo courtesy: Pexels

Natimbog ng pulisya ang isang lalaking tumangay umano ng motor sa bahagi ng Greater Fairview noong Martes ng gabi.

Ayon sa ulat ng GMA Integrated News, nadakip ng pulisya ang 34-anyos na lalaking suspek nitong Biyernes, Nobyembre 15, 2024, matapos daw ma-track ng mga awtoridad ang lokasyon ng suspek mula sa GPS na nakakabit sa motor.

Natagpuan ng pulisya ang suspek na nagawa pang magtago sa ilalim ng lamesa sa Brgy. Pasong Tamo sa Quezon City.

Sa panayam ng GMA Integrated News kay Police Lieutenant Colonel Richard Mepania, sinamantala raw ng suspek ang kalasingan ng biktima na naiwanan ang susi sa kaniyang motor, kung kaya’t tuluyan daw itong natangay.

Metro

Hinahanap daw ang anak: Lolo na may Alzheimer’s nahulog sa creek, nalunod!

Samantala, dumipensa naman ang suspek at sinabing bahagya lang daw niyang inilayo ang motor upang iyabang lang daw ito. “Nandoon po yung susi. Kaysa makuha ng iba, itinabi ko lang po yung motor,” anang suspek. “Inilayo ko lang 'yung motor na hindi po alam ng may-ari. Pumunta lang po ako sa tambayan na may ganoon po ako, para iyabang lang po na may motor akong gano’n.”

Ayon sa pulisya, nahaharap sa paglabag ng Anti-Carnapping Law ang suspek na may record na rin daw na kasong theft. 

Kate Garcia