December 23, 2024

Home SHOWBIZ

Paolo Contis, wala raw pinagsabay na jowa

Paolo Contis, wala raw pinagsabay na jowa
Photo Courtesy: Paolo Contis (FB)

Tila stick to one naman pala ang Kapuso actor na si  Paolo Contis batay sa sagot niya  nang sumalang siya sa isang episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” kamakailan.

Sa segment kasi ng talk show na kung tawagin ay “Fast Talk,” inamin ni Paolo na hindi raw siya namangka sa dalawang ilog habang siya ay may karelasyon.

“Guilty or not guilty, may pinagsabay na girlfriend?” usisa ni Boy.

Sagot ng aktor, “not guilty.”

Bretman Rock, ibinida ang Filipina Barbie Doll na likha ng Fil-Am artist

Matatandaang ilang ulit nalagay sa intriga ang pangalan ni Paolo lalo na nang makarelasyon niya ang Kapamilya actress na si Yen Santos.

MAKI-BALITA: Relasyon nina Paolo Contis at Yen Santos sandamakmak pa rin ang haters

MAKI-BALITA: ‘Worth it ba?’ Paolo ibinunyag dahilan bakit nahulog, tumibok ang puso kay Yen

Ngunit nito lamang ay tila nakumpirma na ang matagal nang hinala ng marami na hiwalay na rin si Paolo kay Yen nang aminin niyang single siya.

MAKI-BALITA: 'Anyare?' Paolo Contis, single na ulit

Nagsimulang umugong ang usap-usapan na hiwalay na ang dalawa nang burahin ni Yen ang birthday post niya para kay Paolo noong Mayo.

MAKI-BALITA: Yen binura daw ang birthday post para kay Paolo, sila pa raw ba?

Pero bago pa man ito ay naisyu si Paolo sa kaniyang “Eat Bulaga” co-host na si Arra San Agustin dahil sa kanilang sweet moments sa nasabing noontime show.

MAKI-BALITA: ‘Co-hosting as a friend?’ Paolo Contis, Arra Agustin sweet sa Eat Bulaga