Proud best friend ang peg ng aktor na si Dominic Roque para kay Outstanding Asian Star Kathryn Bernardo.
Sa latest Instagram post ni Dominic nitong Sabado, Nobyembre 16, nagpaabot siya ng pagbati kay Kathryn para sa tagumpay nito sa pelikulang “Hello, Love, Again.”
“Congratulations Brooo! I'm proud of you! Lam ko pagoood, sayaaa, trinabaho mo talaga to, pinag handaan mo talaga, at kung anu anu pa!” saad ni Dominic.
Dagdag pa niya: “Ang gagaling nyo, ang ganda ganda ng pelikula, sulit na sulit! Congratulations po sa lahat ng bumubuo ng Hello, Love, Again.”
Nakatanggap naman ng mabubuting salita si Dominic dahil sa pagiging supportive nito kay Kathryn. Narito ang mga komento ng ilang netizens:
"Thank you papa Dom for your support for kath always. Friends forever."
"Admire your genuine friendship with Kath thru the years. It hasn’t changed at all. This friendship is truly for keeps. "
"Haist… 2 beautiful people "
"Thanks dom solid friendship"
"Supportive bro yarn @dominicroque love you both"
"Grabeee the friendship "
"Nakakaiyak kayo! The best friendship ever! "
"Thank you papa Dom! Ang saya kagabi! "
Matatandaang minsan nang napagkamalang mag-jowa sina Kathryn at Dominic dahil sa closeness nilang dalawa ngunit agad din namang tinuldukan ng huli ang intrigang ito.
MAKI-BALITA: 'Friend zone!' Dominic nag-react kay 'Senyora' na friends lang sila ni Kathryn
MAKI-BALITA: Dominic Roque, naniningalang-pugad kay Kathryn Bernardo?