Itinaas na sa Signal No. 4 ang dalawang mga lugar sa Luzon dahil sa Super Typhoon Pepito, ayon sa 11 AM update ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong Sabado, Nobyembre 16.
Sa tala ng PAGASA, huling namataan ang Super Typhoon Pepito 185 kilometro ang layo sa silangan ng Catarman, Northern Samar o 250 kilometro ang layo sa silangan ng Juban, Sorsogon.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 185 kilometers per hour malapit sa sentro at pagbugsong aabot sa 230 kilometers per hour.
Kumikilos ang bagyo pa-west northwest sa bilis na 25 kilometers per hour.
Dahil dito, itinaas na ang Tropical Cyclone Wind Signal sa mga sumusunod na lugar:
Signal No. 4
Luzon:
- Catanduanes
- Northeastern portion ng Camarines Sur (Garchitorena, Presentacion, Caramoan, Lagonoy, San Jose)
Signal No. 3
Luzon:
- Eastern portion ng Camarines Norte (Vinzons, Talisay, Mercedes, Daet, Basud, San Vicente, San Lorenzo Ruiz)
- Northern at southeastern portion ng Camarines Sur (Sagñay, Tigaon, Goa, Tinambac, Siruma, Buhi, Ocampo, Iriga City, Sipocot, Pili, Cabusao, Calabanga, Bombon, Magarao, Canaman, Naga City, Camaligan)
- Eastern portion ng Albay (City of Tabaco, Malilipot, Tiwi, Malinao, Santo Domingo, Manito, Legazpi City, Bacacay, Rapu-Rapu)
- Northeastern portion ng Sorsogon (Prieto Diaz, City of Sorsogon, Gubat)
Visayas:
- Eastern portion ng Northern Samar (Palapag, Laoang, Mapanas, Gamay, Lapinig, Catubig, Pambujan)
- Northern portion ng Eastern Samar (San Policarpo, Arteche, Oras, Jipapad)
Signal 2
Luzon:
- Southeastern portion ng Isabela (Dinapigue)
- Aurora
- Quezon
- Eastern portion ng Rizal (Tanay, Pililla, Jala-Jala)
- Laguna
- Mga natitirang bahagi ng Camarines Norte
- Mga natitirang bahagi ng Camarines Sur
- Mga natitirang bahagi ng Albay
- Mga natitirang bahagi ng Sorsogon
- Burias Island
- Ticao Island
Visayas:
- Central portion ng Eastern Samar (Dolores, Maslog, Can-Avid, Taft, Sulat, San Julian, City of Borongan)
- Northern portion ng Samar (Matuguinao, Calbayog City, Santa Margarita, San Jorge, San Jose de Buan, Tarangnan, Motiong, Gandara, Jiabong, City of Catbalogan, Paranas, Hinabangan, San Sebastian, Pagsanghan)
- Mga natitirang bahagi ng Northern Samar
Signal No. 1
Luzon:
- Metro Manila
- Mainland Cagayan
- Mga natitirang bahagi ng Isabela
- Quirino
- Nueva Vizcaya
- Apayao
- Kalinga
- Abra
- Mountain Province
- Ifugao
- Benguet
- Ilocos Norte
- Ilocos Sur
- La Union
- Pangasinan
- Nueva Ecija
- Bulacan
- Tarlac
- Pampanga
- Zambales
- Bataan
- Mga natitirang bahagi ng Rizal
- Cavite
- Batangas
- Marinduque
- Northern portion ng Oriental Mindoro (Puerto Galera, San Teodoro, Naujan, Baco, Victoria, Socorro, Pinamalayan, Bansud, Gloria, Pola, City of Calapan)
- Romblon
- Mga natitirang bahagi ng Masbate
Visayas
- Mga natitirang bahagi ng Eastern Samar
- Mga natitirang bahagi ng Samar
- Biliran
- Northern at central portions ng Leyte (Tunga, Pastrana, San Miguel, Matag-Ob, Tolosa, Palo, Calubian, Leyte, Mayorga, Julita, Carigara, Babatngon, Dagami, Jaro, San Isidro, Santa Fe, Albuera, Villaba, La Paz, Palompon, Macarthur, Tabontabon, Tanauan, Merida, Ormoc City, Isabel, Dulag, Capoocan, Alangalang, Burauen, Tabango, Tacloban City, Kananga, Barugo, Abuyog, Javier, City of Baybay, Mahaplag)
- Northeastern portion ng Southern Leyte (Silago)
- Northernmost portion ng Cebu (Daanbantayan, Medellin) kabilang na ang Bantayan Islands
- Northernmost portion of Iloilo (Carles)
Mindanao
- Northern portion ng Dinagat Islands (Loreto, Tubajon)
Base sa forecast track ng PAGASA, posibleng mag-landfall ang bagyong Pepito sa vicinity ng Catanduanes bukas mamayang gabi o bukas ng Linggo ng madaling araw, Nobyembre 17.
Paparating na raw ang “peak intensity” ng bagyong Pepito, habang sa mga susunod na oras ay maaaring manatili ang lakas nito o bahagyang humina.
Inaasahang lalabas ng Philippine area of responsibility (PAR) ang bagyo pagsapit ng Lunes, Nobyembre 18.