Hindi itinago sa publiko ng social media personality na si Bea Borres ang pagiging retokado ng boobey niya.
Sa isang TikTok video ni Bea kamakailan, sinagot niya ang komento ng isang netizen na nag-akalang totoo raw ang boobey niya.
"It’s not,” saad ni Bea, “and I never denied it and in fact, I even answered questions. So yes po, my dibdib, my girlies, it’s gawa, it’s 275 cc."
“Guys, if you’re planning to get a breast surgery implant. Make sure you have a boyfriend. That’s advice I give talaga whenever someone asks me, ‘may tip ka ba?’ My only tip to you is to have a boyfriend,” wika niya.
Paliwanag ni Bea, 19-anyos daw siya nang magparetoke siya ng dibdib at kalaunan na-realize daw niyang masaya naman daw pala siya sa katawan niya.
“I don't regret it. But, like, gets n’yo ba? Parang naging bastusin talaga 'yung katawan ko especially if I gain weight even just a little bit so pag-isipan niyo talaga," dugtong pa niya.
Sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, umabot na sa mahigit 336.9k likes, 10.5 k shares, at 6.5m views ang nasabing video ni Bea.