December 23, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Awra Briguela, intriga ng netizen sa kasamang afam: 'Asukal de papa?'

Awra Briguela, intriga ng netizen sa kasamang afam: 'Asukal de papa?'
Photo Courtesy: Awra Briguela (IG)

Inintriga ng mga netizen ang komedyanteng si Awra Briguela dahil sa afam na kasama nito nang minsan siyang pumunta sa Bohol. 

Sa isang Instagram post ni Awra kamakailan, ibinahagi niya ang isang video kung saan makikitang kasama niya ang afam at parehong nakakawit ang kamay nila sa likod ng isa’t isa. 

“Forever grateful for the memories and beauty of bohol this place will always hold a special spot in my heart. ” saad ni Awra sa caption.

Usisa tuloy ng isang netizen “ Asukal de papa?”

Tsika at Intriga

Karanasan ni BJ Pascual kay Kristine Hermosa, naungkat dahil kay Denise Julia

“Are you being for real right now?!” tugon ni Awra. “That’s my uncle right there!! that’s my uncle’s husband and yes they’re married for almost 10years now! so much hate. Lol”

Ngunit sa kabila ng mga pang-iintiga, nakatanggap pa rin naman ng magagandang komento si Awra mula sa ibang netizens. 

Narito ang ilan:

"Nakaka asar ung mga assumptions sa comment section, sarap manabunot or itali sa motor tas kaladkarin sa Quezon circle char"

"Awra is Awra. If hindi kayo sa familiar sa buhay nya. Wag nlang kayo mag comment ng kung ano ano. Know your boundaries. Respect and kindness "

"Grabe yung mga comments ng mga walang ambag lol. Nag chismis na nga lang mali mali pa "

"Let's be happy for @awrabriguela wag tayo agad mag bitiw ng salita na Wala namang kasiguraduhan don't hate just spread love "

"Sa mga nababasa kong comments, nauuna talaga bunganga kesa utak. So disrespectful. Tsaka ano naman kung magkaroon siya ng jowa na afam if ever? These people. May nakita pa ako, BSN, RN naman siya pero ganyan kadisrepectful — paano niya kaya itatrato ng maayos ang pasyente niya niyan sa sibrang kitid at judgemental niya? ‍"

"Wow ganda ateeee"

"it isn't me so happy seing awra getting out on her confort zone aftear the past was happend to her, it so happy seing her living in her life and getting out on her comfort zone. i know awra life was really hard and so happy you were fighting for it and so happy seing you living your life , and expecially go back to school , and seing you're womderful smile. over over again "

"Nagpunta rn akong bohol pero d kaganda ng clips nung sayoooo paano yan ieditttt"

"Thanks for visiting my home place @awrabriguela"

Matatandaang minsang nasangkot si Awra sa rambulan sa isang bar noon. Pero sa isang vlog kasama si Vice ay inamin niya ang nagawang pagkakamali.

MAKI-BALITA: Awra ‘nadurog’ sa kinasangkutang rambulan sa bar: ‘I’m getting better!’

Sa kasalukuyan, nag-aaral na si Awra sa University of the East-Manila. Kamakailan nga ay todo-flex pa siya ng kaniyang buhay-kolehiyo.

MAKI-BALITA: Awra, pinangalandakan buhay-kolehiyo: 'Here's to romanticizing uni life!'