December 23, 2024

Home SHOWBIZ

Asoka ni Andrea Brillantes, inokray: 'Sobrang late na!'

Asoka ni Andrea Brillantes, inokray: 'Sobrang late na!'
Photo Courtesy: Andrea Brillantes (IG)

Napagdiskitahan ang pagpatol ni Kapamilya star Andrea Brillantes sa umusong Asoka make up challenge noon pang Mayo.

Sa latest Instagram post ni Andrea nitong Sabado, Nobyembre 16, ibinahagi niya ang serye ng mga larawan ng kaniyang Asoka transformation.

Komento naman ng isang netizen: “Okay sige ganto ah, tatanggapin ko to pero minus points na to nak ha kasi sobrang late ka na sa deadline.” 

Dagdag pa nito: “Tandaan niyo kayo ang gumagawa ng grades niyo, nagrerecord lang kami.”

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Ngunit sa hiwalay na post, humingi naman ng paumanhin si Andrea. Masyado raw kasi siyang naging abala sa taping ng “Senior High” kaya hindi agad siya nakasali sa mga make-up challenge.

Marami pa rin namang pumuri sa entry niya kahit super late na. Narito ang ilang komento ng netizens:

"Top tier!!"

"Bakit na late ang pinakamaganda sa lahat"

"GONNA WAIT FOR IT QUEEN"

"So pretty "

"Superb! "

"Nakakamangha talaga"

"Blythe bat kasi grabi kana mag pasabog"

Matatandaang nagsimula umano ang trend ng nasabing make-up challenge dahil sa isang Indonesian influencer na si Sita Suwarnadwipa.

MAKI-BALITA: Bago ka masuka: Make-up challenge trend 'Asoka,' paano ba nagsimula?