November 22, 2024

Home SHOWBIZ Pelikula

Alden, may pinalasap kay Kathryn na hindi nagawa ni Daniel

Alden, may pinalasap kay Kathryn na hindi nagawa ni Daniel
Photo courtesy: Star Cinema (FB)

Marami raw ang nagtilian at hindi makapaniwala sa ilang mga eksena nina Kathryn Bernardo at Alden Richards sa "Hello, Love, Again," na first time daw ginawa ni Kath sa lahat ng mga naging pelikula nila ng dating real at reel partner na si Daniel Padilla.

Isa na nga rito ang matinding kissing scenes nina Joy at Ethan (mga karakter nila) na talaga raw dumagundong ang hiyawan sa loob ng sinehan sa isinagawang world premiere ng nabanggit na pelikula nitong Martes, Nobyembre 12, na ginanap sa SM Megamall.

Matapos nga raw ang umaatikabong eksena ay agad na hinanap ni Kathryn ang kaniyang padir na si Daddy Teodore "Teddy" Bernardo para alamin ang reaksiyon nito.

Mukhang oks na oks lang naman daw kay Daddy Teddy ang eksenang iyon ng anak, na si Alden ang nakauna!

Pelikula

ALAMIN: Mga kinagiliwang Kapuso-Kapamilya tandem sa pelikula!

Kasi nga, kahit sa mga pelikula nila noon ng totoong jowang si DJ, walang umaatikabong laplapan scene, na eventually ay nagawa na rito ni Kathryn.

Saka marami pa raw ginawa rito si Kath na hindi pa niya nagagawa sa iba pang nagawang pelikula kaya worth it ang paghihintay ng limang taon para sa sequel ng "Hello, Love, Goodbye."

Ang huling pelikula naman ng KathNiel sa big screen ay "The Hows of Us" at para naman sa online ay "The House Arrest of Us."

Samantala, nakiusap naman ang ilang mga netizen na hindi pa nakakapanood na huwag mag-post ang spoilers at gawin pa itong content.

MAKI-BALITA: Spoilers ng 'Hello, Love, Again' gustong 'saktan' ng netizens