November 22, 2024

Home SHOWBIZ Pelikula

Kathryn nagpakatotoo, umamin: 'Some days, I just felt so exhausted!'

Kathryn nagpakatotoo, umamin: 'Some days, I just felt so exhausted!'
Photo courtesy: Kathryn Bernardo (IG)

Inamin ni Outstanding Asian Star at Kapamilya Star Kathryn Bernardo na hindi naging madali ang mga nagdaang buwan para sa kaniya at may ilang mga araw na nakaramdam na siya ng "exhaustion."

"Not gonna lie, it’s been pretty crazy these past few months. Some days, I just felt so exhausted (I know I’ve been MIA—sorry, friends! )," mababasa sa Instagram post ni Kath noong Lunes, Nobyembre 11.

Kaya malaki raw ang pasasalamat ni Kath dahil napapaligiran siya ng mga taong nagbibigay sa kaniya ng positibong enerhiya para magpatuloy sa kaniyang mga ginagawa.

"I’m just incredibly grateful to be surrounded by an amazing team who always brings so much positive energy, making work both easier and… a lot noisier! "

Pelikula

ALAMIN: Mga kinagiliwang Kapuso-Kapamilya tandem sa pelikula!

"Thank you for sticking with me through it all. Last push! I hope I make you all proud," aniya.

Hindi binanggit nang direkta ni Kathryn ang tungkol sa pinagmumulan ng kaniyang exhaustion, pero naging busy ang dalaga sa paggawa ng pelikulang "Hello, Love, Again" na sequel ng matagumpay na "Hello, Love, Goodbye" nila ni Asia's Multimedia Star at Kapuso Star Alden Richards.

Bukod sa paggawa ng pelikula, kabi-kabila rin ang guestings nina Kathryn at Alden sa iba't ibang shows ng ABS-CBN at GMA Network para sa promo ng pelikula, idagdag pa ang mall at out of town shows.

At siyempre, itinampok din sila sa iba't ibang lifestyle magazines.

Bumaha naman ng pagsuporta at encouraging words para sa aktres mula sa kaniyang mga kaibigan sa showbiz at netizens, kabilang na nga ang natsitsismis pa sa kaniyang si Dominic Roque.

MAKI-BALITA: Dominic sa mga umiintriga sa pictures nila ni Kathryn: 'Mga toxic sa socmed!'

Pero kamakailan lang, tila nawalis na ang tsikang ito matapos ang kissing video nina Dom at isa pang Kapamilya actress-Tv host na si Sue Ramirez habang nasa Siargao.

MAKI-BALITA: Dominic, nanliligaw pa lang daw kay Sue pero may kiss na?

Samantala, mapapanood na ang HLA sa darating na Miyerkules, Nobyembre 13 sa iba't ibang mga sinehan nationwide.