December 23, 2024

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

Ex-BF ni Karla Estrada, engaged na sa jowa?

Ex-BF ni Karla Estrada, engaged na sa jowa?
Photo courtesy: Jam Ignacio (IG)

Ikakasal na nga ba ang dating karelasyon ng actress-TV host na si Karla Estrada na si Jam Ignacio sa girlfriend na si Jellie Aw?

Makikita ito sa Instagram post ni Jam na ipinost niya, Lunes, Nobyembre 11, na tamang-tama naman sa birthday celebration ng fiancee.

Bukod nga sa kaarawan, makikita sa mga kalakip na larawan ang pag-flex ni Jellie sa kaniyang tila engagement ring, bagama't wala namang direktang sinabi tungkol dito sa caption ng post. 

"Hon Happy Birthday!!! Happy ako kasama kita sa special day mo, kasama mo na ako every year tanggal na yung sumpa naging triple celebration tayo. Basta Mahal na Mahal kita !!! I Love You !!!" mababasa sa caption ng post,.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Sa comment section naman, makikita rito ang tugon ni Jellie.

"thank you hon i love you," aniya.

Noong Agosto 2024, unang flinex ni Jam na may bago nang nagpapatibok sa kaniyang puso, matapos ang hiwalayan nila ng ina ni Daniel Padilla.

Pumutok lamang ang mga balita tungkol sa hiwalayan nina Karla at Jam noong 2023. Ang huling post pa ni Karla patungkol kay Jam ay noong Marso 23, 2023, at hanggang ngayon, wala pang pahayag si Karla patungkol sa nangyaring break-up at kung anuman ang puno't dulo nito.