December 23, 2024

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

Ai Ai Delas Alas, walang balak gantihan si Gerald Sibayan

Ai Ai Delas Alas, walang balak gantihan si Gerald Sibayan
Photo Courtesy: Ai Ai Delas Alas (FB), Freepik

Tinuldukan ni Comedy Queen Ai Ai Delas Alas ang lumulutang na espekulasyong babawiin umano niya ang green card ng ex-husband niyang si Gerald Sibayan.

Sa latest episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Lunes, Nobyembre 11, nausisa si Ai Ai kaugnay sa magiging status nila ni Gerald ngayong hiwalay na silang dalawa. 

“Ako, green card holder ako. And then pinetition ko siya as husband. So approved na ‘yon. Naghihintay lang siya ng green card niya,” lahad ni Ai Ai.

“Sorry ha,” singit ni Boy. “Pero may sasabihin ako. Kasi may mga speculations na dahil ikaw ang nag-petition, ipare-revoke mo raw ang mga papel ni Gerald. Ano ba ang totoo?”

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

“Syempre ‘pag initial [reaction], bwisit ka. Minsan, kung ano-ano nasasabi mo. Pero hindi ko naman gagawin ‘yon,” sagot ni Ai Ai.

Dagdag pa ng comedy queen, tulong na raw niya ‘yon kay Gerald para magkaroon ito ng legal status sa Amerika. 

Matatandaang sa isang bahagi ng panayam ay hiniling ni Ai Ai ang lahat ng para sa ikasasaya at ikabubuti ng kaniyang dating mister sa kabila ng nangyari sa kanilang dalwa.

MAKI-BALITA: Ai Ai kay Gerald: 'Sana maging masaya ka na lang!'