Hindi makakasama si Rolando Plaza, o mas kilala bilang si "half-human, half-zombie Rastaman,” sa balota para sa senatorial candidates sa 2025 midterm elections.
Ito ay matapos mapabilang si Rastaman sa 47 nuisance candidates na itinakda ng first at second divisions ng Commission on Elections (Comelec) noong Nobyembre 8, 2024.
“Number of aspirants declared as Nuisance Candidates for the elective position of Senator - 47 aspirants,” anang Comelec sa kanilang social media post noong Sabado, Nobyembre 9.
Kasama ni Rastaman sa listahan ng nuisance candidates na inilabas ng Comelec First Division ang mga sumusunod:
Patrick Artajo
Maria Charito Billones
Roel Pacquiao
Felipe Montealto
Rex Noel
Gerald Arcega
Salvador Cabalida
Elvis Beniga
Orlando de Guzman
Jonry Gargarita
Abel Adorable
Randy Red
Getter Malinao
Jimmy Salapantan
Jacinto Bonayog
Shirly Cuatchin
Jefrey Andrino
Peter Advincula
Sunang Ditanongun
John Escobar
Eric Negapatan
Injim Bunayog
Froilan Serafico
Sixto Lagare
Princess Jade Ramos
Primo Capuno
Nheling Paliza
Jovilyn Aceron
Jerson Ares
Rodolfo Basilan
Melchor Lucañas
Martin Mendoza
Junbert Guigayuma
Alexander Encarnacion
Wilfredo Red
Daniel Magtira
Narito naman ang senatorial bets na idineklara bilang nuisance candidates ng Comelec Second Division:
Celeste Aguilar
Antonio Par
Eduardo Bautista
Miguelino Caturan
Ismael Bajo
Hernando Bruce
Joel Apolinario
Roberto Sembrano
Fernando Diaz
Omar Tomanong
Sa kabila nito, nilinaw naman ng Comelec na maaari pang iapela ang desisyon ng dalawang dibisyon, at sasailalim daw ito sa isang motion for reconsideration.
Matatandaang noong Oktubre 5 nang maghain si Rastaman ng kaniyang certificate of candidacy sa pagkasenador. Ito ang kaniyang ikalawang paghahain ng COC sa nasabing posisyon matapos siyang sumubok ding tumakbo noong 2019 elections.
MAKI-BALITA: 'Half-human, half-zombie' 'Rastaman', kakandidato bilang senador; pabor sa e-sabong
Pagkatapos ng COC filing, noong Oktubre 16 nang ilabas ng Comelec ang initial list ng senatorial candidates para sa 2025 elections, kung saan kasama rito si Pastor Apollo Quiboloy.
MAKI-BALITA: Apollo Quiboloy, kasama sa initial list ng Comelec sa pagkasenador