December 14, 2024

Home BALITA National

House Quad Comm, handa raw magpasipa kay FPRRD dumalo lang sa hearing

House Quad Comm, handa raw magpasipa kay FPRRD dumalo lang sa hearing
Photo courtesy: House of Representatives/Facebook and Mark Balmores/Manila Bulletin

Inihayag ng dalawang mambabatas ang kanilang mensahe kay dating Pangulong Rodrigo Duterte ukol sa hindi niya pagdalo sa padinig ng House Quad Committee sa isyu ng war on drugs sa kasagsagan ng kaniyang administrasyon.

Si Zambales Representative Jay Khonghun, tahasang iginiit na maaari daw isakatuparan ni dating Pangulong Duterte ang kaniyang banta na sipain ang miyembro ng quad comm, kung dadalo lamang daw ito sa pagdinig sa darating Miyerkules, Nobyembre 13, 2024.

“Please make sure to be around on Wednesday, so that you can make true your threat to kick congressmen as you have repeatedly warned,” ani Khonghun.

Dagdag pa niya, panigurado raw na aabangan at papalakpakan pa din umano ng mga tagasuporta ng dating Pangulo ang kaniyang pagdalo sa Quad Comm hearing, kaya giit ni Khonghun, mas mainam daw na dumalo na si Duterte at totohanin ang bantang sipain sila.

National

PhilHealth, pumalag sa mga alegasyon; <b>₱138M hindi raw para sa Christmas party</b>

“Be here at the Quad Comm hearing, and go ahead, kick us if that will make you happy. I’m very sure your supporters nationwide will also be watching on national TV or YouTube, ready to give you the loudest applause you want to hear,” saad ni Khonghun.

Matatandaang kamakailan lang ay naglabas ng opisyal na pahayag ang dating Pangulo hinggil sa pagliban niya sa naturang Quad Comm hearing noong Nobyembre 7 at sinabing sisipain daw niya ang naturang komite dahil wala raw siyang pamasahe papuntang Kongreso.

“Galit sila? Sipain ko sila. T*** i**. Pera nila? Wala na akong pera eh. Mamasahe ako doon. I am living on my retirement pay. Wala akong extra money sa bangko, lahat sweldo ko yan,” ani PRRD.

Respeto naman ang hiling ni La Union Representative Paolo Ortega V sa dating Pangulo.

“Don’t make empty threats. Please make no mistake: while we respect you, by no stretch of the imagination does this mean we’re afraid of you. Give us respect, too,” ani Ortega.

Iginiit pa ni Ortega, hindi rin daw sila magpapasindak kay Duterte kung dadalo ito sa nasabing pagdinig sa Kongreso. Saad niya, teritoryo daw nila ang House of Representatives na siyang kumakatawan sa mga Pilipino.

“But this respect should be reciprocal: We will not and we will never allow you to bully us in our own House – the House of the (114-million-strong Filipino) People whom we are all representing, from the northernmost district to the southernmost district across the country,” aniya.

Samantala, wala pang inilalabas na pahayag o tugon  ang kampo ng dating Pangulo, hinggil sa nasabing pahayag ng dalawang mambabatas.

-Kate Garcia