December 23, 2024

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

Pancho Magno, Max Collins opisyal nang divorce!

Pancho Magno, Max Collins opisyal nang divorce!
Photo Courtesy: Max Collins (FB)

Kinumpirma ni Kapuso actress Max Collins na opisyal na ang divorce nila ng dating mister na si Pancho Magno.

Sa ulat ni Aubrey Carampel sa “24 Oras” noong Sabado, Nobyembre 9, sinabi mismo ni Max na “legally separated” na sila ng dating asawa.

“We’re legally separated na. It’s official na,” saad ni Max.

Gayunman, maayos daw ang sistema ng kanilang co-parenting sa anak nilang si Sky. Sa katunayan, ilang beses naispatan ang ex-celebrity couples na magkasama sa ganap ng kanilang anak.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

“We wanted to show people na you can be like us. I mean, it’s possible,” aniya.

MAKI-BALITA: 'Comeback era?' Pancho Magno, Max Collins magkasama sa isang video

MAKI-BALITA: Max Collins, Pancho Magno muling nagkasama

Hindi tuloy naiwasan ng mga netizen na isiping nagkabalikan ang dalawa. Ngunit noong Abril pa lang ay binanggit na ni Max sa isang panayam na pinag-uusapan na raw nila ni Pancho ang tungkol sa kanilang divorce.

MAKI-BALITA: Divorce nina Max Collins, Pancho Magno pinag-uusapan na!

Matatandaang nauna nang isiwalat ni Max ang tungkol sa hiwalayan nila ng dating asawa nang sumalang siya sa “Fast Talk with Boy Abunda” noong Mayo 2023.

MAKI-BALITA: Max Collins, Pancho Magno kumpirmadong hiwalay na: ‘Every separation is difficult…’