Niyanig ng magnitude 4.0 na lindol ang probinsya ng Quezon dakong 3:55 ng hapon nitong Sabado, Nobyembre 9.
Base sa tala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), tectonic ang pinagmulan ng lindol.
Namataan ang epicenter nito 38 kilometro ang layo sa hilagang-silangan ng Jomalig, Quezon, na may lalim na 10 kilometro.
Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.
Hindi rin daw inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.