December 14, 2024

Home BALITA

Fernandez, Abante, pansamantalang binitawan posisyon sa House Quad Committee

Fernandez, Abante, pansamantalang binitawan posisyon sa House Quad Committee
Photo courtesy: Congressman Dan S. Fernandez, Benny Abante/Facebook

Pansamantalang binitawan nina Santa Rosa Lone District Representative Dan Fernandez at Manila, 6th District  Rep. Bienvenido Abante ang kanilang posisyon bilang chairman ng House Quad Committee.

Sa opisyal na pahayag na inilabas ni Rep. Abante noong Nobyembre 8, 2024, isinaad niyang ito raw ang makabubuti nilang gawin ni Fernandez habang gumugulong ang imbestigasyon sa iniuugnay na alegasyon sa kanilang dalawa.

“As a public servant, I believe it is essential to remove even the perception of a conflict of interest so that the vital work of the Quad Committee can proceed without distractions,” ani Abente. 

Matatandaang inakusahan ni dating city police chief Hector Grijaldo sina Fernandez na chairman ng Quad Comm at Abente na co-chair ng komite, na pinilit daw siya ng dalawa na aminin ang umano’y naging reward system sa kasagsagan noon ng war on drugs, kaugnay ng pagdinig dito ng nasabing komite.

Presyo ng produktong petrolyo, muling sisipa isang linggo bago mag-Pasko!

Giit naman ni Fernandez na ang kanilang pagbaba mula sa kanilang posisyon ay pagpapakita raw ng transparency habang umuusad ang imbestigasyon sa naturang pahayag ni Grijaldo.

“We will be temporarily relieving our chairmanship in order to discuss this in a transparent, impartial and honest investigation on this matter,” saad ni Fernandez. 

Pinamumunuan ni Fernandez ang House Public Order and Safety Committee habang Human Rights Committee naman ang nasa ilalim ng liderato ni Abante. 

Samantala, nilinaw naman ng Quad Comm na ang pansamantalang pagbaba nina Fernandez at Abante sa kanilang posisyon ay hindi raw nag-aalis ng karapatan ng dalawa na magkaroon ng partisipasyon sa mga susunod pang pagdinig nito.  

Kate Garcia