December 27, 2024

Home BALITA National

Bagyong Nika, itinaas na sa ‘tropical storm’ category

Bagyong Nika, itinaas na sa ‘tropical storm’ category
Courtesy: PAGASA/FB

Lumakas ang bagyong Nika at itinaas na ito sa tropical storm category, ayon sa 5 PM update ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong Sabado, Nobyembre 9.

Sa tala ng PAGASA, huling namataan ang sentro ng bagyong Nika 1,005 kilometro ang layo sa silangan ng Southeastern Luzon. 

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 65 kilometers per hour malapit sa sentro at pagbugsong aabot sa 80 kilometers per hour.

Kumikilos ito pakanluran sa bilis na 35 kilometers per hour.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Dahil dito, itinaas na sa Signal No. 1 ang mga sumusunod na lugar sa Luzon:

Southeastern portion ng Isabela (Dinapigue)

Northern portion ng Aurora (Dilasag, Casiguran, Dinalungan)

Southeastern portion ng mainland Quezon (Calauag, Guinayangan, Tagkawayan)

Pollilo Islands

Camarines Norte

Camarines Sur

Catanduanes

Northeastern portion ng Albay (Malinao, Tiwi, City of Tabaco, Bacacay, Malilipot, Rapu-Rapu)

Base sa forecast track ng PAGASA, kikilos ang bagyong Nika pa-west northwest sa buong forecast period, at posible itong mag-landfall sa Isabela o Aurora sa Lunes ng tanghali o gabi, Nobyembre 11.

Inaasahang unti-unti pang lalakas ang bagyo at aabot sa “severe tropical storm” category pagsapit ng Lunes ng umaga bago ang pag-landfall nito. Posible naman itong humina dahil sa interaksyon nito sa kalupaan ng mainland Luzon, bagama’t mananatili ang bagyo sa “severe tropical storm” category.