November 22, 2024

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

Mikee Quintos, binuking ang aktor na pinagselosan ni Paul Salas

Mikee Quintos, binuking ang aktor na pinagselosan ni Paul Salas
Photo Courtesy: Screenshot from GMA Network (YT), Paul Salas (FB)

Pinangalanan ni Kapuso actress Mikee Quintos kung sino ang aktor na minsang pinagselosan ng jowa niyang si Paul Salas.

Sa latest episode kasi ng “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Huwebes, Nobyembre 7, sumalang si Mikee sa  game na “Talk or Taste” kung saan sasagutin niya ang mga itatanong ni Boy or else ay may ipapakain o ipapainom sa kaniya.

“Inamin ni Kelvin Miranda na na-inlove siya sa ‘yo noong magkasama kayo sa ‘The Lost Recipe.’ Nagka-feelings ka rin ba no’n kay Kelvin?” usisa ni Boy.

Sa halip na sumagot, mas pinili na lang ni Mikee na kainin ang mata ng salmon na inihain sa kaniya. Pero sa huling tanong, ibinuking niya na pinagselosan pala ni Paul si Kelvin.

Relasyon at Hiwalayan

Arra San Agustin, ayaw ng may kahati sa relasyon: 'Alam ko worth ko!'

“Sabi mo, mas seloso si Paul kaysa sa ‘yo,” saad ni Boy. “Pangalanan mo ang artistang pinagselosan ni Paul.”

“Edi ‘yong minention n’yo po before this question,” natatawang sagot ng aktres.

Kaya naman ang nangyari, uminom si Boy ng barley na si Mikee sana ang iinom kung tumanggi siyang pangalanan ang pinagselosan ni Paul.

Matatandaang Mayo 2022 nang aminin ni Paul sa program segment na 'Pasabog Na Chika' na nasa dating stage na umano sila ni Mikee.

Pero una nang lumutang ang tsikang nagkakamabutihan sila nang masipatan umano silang nagbabakasyon sa isang beach resort noong Disyembre 2021 kasama ang kani-kanilang mga pamilya.

MAKI-BALITA: Paul Salas, may ibinuking tungkol sa kanila ni Mikee Quintos