December 23, 2024

Home BALITA Internasyonal

For the first time! Disyerto sa Saudi Arabia, nakaranas daw ng snow?

For the first time! Disyerto sa Saudi Arabia, nakaranas daw ng snow?
Photo courtesy: Mohammad Wasim/X

Nagkalat sa internet ang ilang larawan ng umano’y pagkakaroon ng snow ng isang disyerto sa Saudi Arabia.

Ayon sa ulat ng ilang international media outlets, Nobyembre 3, 2024 pa nang magsimulang mabalot ng nyebe ang disyerto sa Al-Jawf region. 

Kaugnay nito, naglabas din kamakailan ng pahayag ang National Center of Meteorology (NCM), at sinabing nagyelo raw ang naturang disyerto dahil umano sa naghalong temperatura ng disyerto at hamog mula sa Arabian sea, na kalaunan ay naging sanhi ng pagkakaroon ng yelo sa paligid.

Ibinahagi ng isang netizen na si Mohammad Wasim sa social media platform na X noong Nobyembre 5, 2024, ang ilang mga larawan ng naturang disyerto.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'

“First time in history Saudi Arabian desert turns into winter wonderland after first-ever snowfall,” saad ni Wassim sa caption.

Nagbigay-abiso na rin ang United Arab Emirates (UAE) Meteorology Center nitong Huwebes, Nobyembre 7, 2024 at pinaghanda ang mga residente sa naturang rehiyon para sa posibilidad ng hail at thunderstorm sa lugar, kasunod ng pagkabalot sa yelo ng kanilang disyerto.

Samantala, naging hati naman ang reaksiyon ng ilang netizens sa kumakalat na larawan ng nagyeyelong disyerto ng Saudi Arabia.

“The miracle of Allah!”

“Climate is really changing.”

“The end is near, yet we are still caught up in the world.”

“It's really concerning. Desert areas are witnessing snowfall while glacial himalayan ranges are witnessing the most dry weather.”

“Wow, it's really amazing and wonderful.”

Kate Garcia