November 22, 2024

Home SHOWBIZ Pelikula

Dennis Padilla, nag-react kung bakit naka-blur mukha niya sa isang pelikula

Dennis Padilla, nag-react kung bakit naka-blur mukha niya sa isang pelikula

Nahingan na ng reaksiyon at komento ang komedyanteng si Dennis Padilla patungkol sa napabalitang naka-blur ang mukha niya sa isang pelikula ng VIVA Films.

Usap-usapan kasi ang napansin ng isang movie critic Facebook page sa isang eksena ng pelikulang "Luck At First Sight" na pinagbidahan nina Bela Padilla at Jericho Rosales produced by VIVA Films.

Sa ngayon, naka-upload sa YouTube channel ng VIVA ang nabanggit na pelikula.

Napansin naman ng "Goldwin Reviews" na naka-blur ang mukha ng gumaganap na tatay ni Bela sa pelikula na si Dennis Padilla, sa isang eksena habang nasa ospital ang komedyante.

Pelikula

Pelikula nina Zanjoe, Daniel made-delay?

"Naka-upload sa YouTube channel ng Viva Films ang movie na 'Luck At First Sight.' Tapos kapag pumunta kayo sa 54:00 onwards, makikita niyo na naka-blur si Dennis Padilla," mababasa sa kanilang post.

"Usap-usapan na ito sa YouTube atsaka sa Reddit. Bakit daw naka-blur yung mukha ni Dennis Padilla sa palabas na’to? Ang nakapagtataka, hindi consistent yung pag-blur sa mukha niya. May ibang anggulo na wala siyang blur at kitang kita pa rin ang mukha niya."

"Kung anu-anong haka haka at hula na ang sinasabi ng mga tao, pero tila wala pa talagang nakakaalam ng tunay na rason."

"Ano sa tingin niyo ang dahilan kung bakit naka-blur si Dennis Padilla sa mga piling eksena?" anila.

Iyan din ang tanong ni showbiz insider-game show host Ogie Diaz kaya minabuti niyang tanungin mismo si Dennis tungkol dito.

Maging si Dennis ay nagulat din nang malamang naka-blur ang mukha niya sa nabanggit na pelikula. Kaya naman tinawagan daw niya ang co-producer ng pelikula na si Neil Arce, asawa ni Angel Locsin, kung ano ang dahilan bakit naka-blur ang mukha niya sa ilang eksena. Hindi rin daw masagot ni Neil dahil ang full rights daw ng pelikula ay nasa VIVA Films na.

Kaya naisip na lamang nina Ogie at Mama Loi, baka may kinalaman ito sa mga kontrata ng mga kung anik-anik na tanging VIVA lamang ang makasasagot.

Samantala, wala pang sey ang VIVA Films management tungkol dito.

MAKI-BALITA: Mukha ni Dennis Padilla naka-blur sa isang eksena sa pelikula, bakit kaya?