December 23, 2024

Home SHOWBIZ

'Kababasa ng sulat sa MMK?' Charo Santos namalat, nawalan ng boses

'Kababasa ng sulat sa MMK?' Charo Santos namalat, nawalan ng boses
Photo courtesy: Screenshots from Charo Santos (TikTok)

Ibinahagi ng batikang aktres at dating ABS-CBN President na si Charo Santos na isang araw daw ay nawalan na lang siya ng boses paggising niya.

Sey ni Charo, mukhang masyado siyang napagod sa taping ng "FPJ's Batang Quiapo" at training naman sa pagiging Philippine Air Force reservist.

Hindi ito sa pagbabasa ng mga sulat sa kaniyang "Maalaala Mo Kaya," ang longest-running drama anthology na nawala na ngayon sa ere.

Sa ngayon daw ay unti-unti nang bumabalik ang kaniyang boses dahil na rin sa medication ng doktor at pag-inom ng maraming tubig.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Speaking of MMK, marami na raw ang nakaka-miss sa nabanggit na drama anthology, kaya hirit ng mga netizen, sana makabalik na nga.

May isa pa ngang eksena sa Batang Quiapo na nagtunog "MMK" na magsambit siya ng talinghaga sa kaeksenang si Arah Davao. 

Bali-balita kasi ang pagbabalik nito sa ere pero mapapanood na raw sa TV5, na hindi pa kinukumpirma ng ABS-CBN.

MAKI-BALITA: MMK posibleng magbalik sa telebisyon, mapapanood sa TV5?