December 22, 2024

Home SHOWBIZ Teleserye

Coco Martin, umaasang makatrabaho ulit si Gina Pareño

Coco Martin, umaasang makatrabaho ulit si Gina Pareño
Photo Courtesy: Coco Martin (IG), Screenshot from ABS-CBN Entertainment (YT)

Tila handang tuparin ni “FPJ’s Batang Quiapo” lead actor-director Coco Martin ang hiling ng batikang aktres na si Gina Pareño na muling makabalik sa pag-arte.

Sa ulat ng ABS-CBN News nitong Martes, Nobyembre 5, sinabi ni Coco na mahal na mahal daw niya si Gina at parang lola na nga niya kung ituring.

“Lola ko 'yan. Sobrang mahal na mahal ko ‘yan,. At si Tita Gina, isa sa mga nag-alaga at nagturo sa akin no’ng nagsisimula ako sa TV,” saad ni Coco.

“Talagang kung ano ako ngayon, isa sa mga disiplina ko — 'yong pagtutok ko sa trabaho, 'yong characterization — galing sa kanya,” aniya.

Teleserye

Netizens windang sa 'Wish Ko Lang' dahil sa 'ipinagbabawal na bibingka'

Dagdag pa niya, “Dati, imbis makipagkwentuhan ako sa labas sa mga co-actors ko, tatawagin ako niyan sa tent tapos sabi sa akin, ‘Halika dito, magbasa ka ng script.’ Gano’n kahigpit yan! Kaya nga lola.“

Pero sa ngayon, tila hindi pa lang mabigyan ni Coco ng trabaho ang batikang aktres dahil gusto niyang pag-isipang mabuti kung paano mabibigyang-halaga ang karakter na gagampanan nito.

Ayon sa kaniya, “Hindi kasi pwede sasalang mo agad. Sabi ko, hindi kasi ako nagbibigay ng trabaho for the sake na mabigyan mo ng trabaho.” 

“Gusto ko, binigyan ko ng trabaho kasi may dahilan, may rason at may importansya 'yong role niya. Inaaral ko 'yon kasi ayaw ko mararamdaman nila na ‘ay, kahit hindi naman ako 'to, hindi ako vinalue,” dugtong pa niya.

Matatandaang muling inihayag ni Gina ang kagustuhan niyang makabalik sa telebisyon nang makapanayam siya ni ABS-CBN showbiz reporter MJ Felipe noong Oktubre.

MAKI-BALITA: Gina Pareño, bet bumalik sa pag-arte; nakalimutan na nga ba?