December 09, 2024

Home FEATURES

Tipid tips: Saan ka dadalhin ng ₱99 mo?

Tipid tips: Saan ka dadalhin ng ₱99 mo?
Photo courtesy: Pexels

Handa mo na bang i-check ang bucket list ng dream destinations mo kahit tipid sa budget?

Maagang discount ang hatid ng isang airline para sa mga nagnanais na makahanap ng mura at well-oriented flights services na bukas sa iba’t ibang local destinations sa Pilipinas.

Simula nitong Lunes, Nobyembre 4 hanggang Huwebes, Nobyembre 7, 2024, ay magkakaroon ng ₱99 seat sale ang Cebu Pacific para sa lahat ng domestic destinations sa bansa.

Ang naturang seat sale ay one-way base fare na swak para sa lahat ng nagbabalak na umpisahan ang 2025 sa pagbisita sa mga local destination sa bansa dahil magsisimula ang travel period ng naturang ₱99 seat sale sa Enero 1, 2025 hanggang Marso 31, 2025.

Kahayupan (Pets)

May sakit na, inabandona pa ng pamilya? Fur mom, umapela para sa rescued cats

Matatandaang kamakailan nga ay inanunsyo na rin ng Cebu Pacific ang pinakabago nilang local routes sa Visayas at Mindanao.

Kabilang sa pinakabagong flights ng Cebu Pacific ay ang Cagayan de Oro, Puerto Princesa at Clark. Connecting flights naman ang handog ng nasabing airline mula sa Iloilo patungo sa siyam na local destinations kagaya na lamang ng Tacloban at Zamboanga. 

Bukas din ang Cebu Pacific sa iba’t ibang paraan ng mode of payment kagaya ng credit at debit cards at e-wallets. Maaari ding magamit ng mga pasahero ang “travel fund” features ng airline sa kanilang application para mag-book at para sa iba pa nilang alok na add-ons.

Sa kasalukuyan, mayroong 35 domestic at 26 internationational flights ang Cebu Pacific mula Asia, Australia at Middle East.

Kaya naman kung may nais ka na agad na ma-look forward sa pag-uumpisa ng 2025, ito na ang sign mo! 

I-book na ang flights mo sa: bit.ly/CebuPacificSale.

Kate Garcia