December 14, 2024

Home BALITA National

Hontiveros, sinabing ‘wag manood mga bata ng Senate hearing: ‘Daming bad words eh!’

Hontiveros, sinabing ‘wag manood mga bata ng Senate hearing: ‘Daming bad words eh!’
Sen. Risa Hontiveros at Ex-Pres. Rodrigo Duterte (Facebook; file photo)

Pinayuhan ni Senador Risa Hontiveros ang mga magulang na huwag nilang panoorin ang kanilang mga anak ng nagdaang Senate hearing dahil marami raw ditong “bad words.”

“Sa mga magulang, huwag po ninyong hayaang manood ng Senate hearing mga anak ninyo, dami kasing bad words eh,” ani Hontiveros sa kaniyang Facebook post nitong Lunes, Nobyembre 4.

Kalakip naman ng nasabing post ang isang video clip ng nagdaang Senate hearing hinggil sa war on drugs ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte kung saan nagkasagutan sina Hontiveros at ang dating pangulo.

Sa nasabing pagdinig ay ilang beses sinaway ni Hontiveros ang mga pagmumura ni Duterte.

National

Sec. Angara, nalungkot sa desisyon ng Kongreso na kaltasan ng ₱12B ang DepEd

Humingi naman ng tawad ang dating pangulo sa naging “character” daw niya habang binabanggit na “sensitive” umano ang senadora.

“I would like to express my apologies, especially to Senator Hontiveros, kasi sensitive... 'Yung character ko po ganó'n talaga. Maski saan mo ako ilagay ganoon na, even in front of anybody. Ganoon talaga ako. Bastos ako, walang-hiya ako kasi galing ako sa baba,” ani Duterte. 

Sinagot naman ito ni Hontiveros ng: “Hindi ako sensitive, ayoko ko lang talaga ng bastos. Ayaw ko ng walang-hiya lalo na pinag-uusapan natin ang seryosong bagay ng war on drugs at saka extrajudicial killings.”

MAKI-BALITA: Hontiveros, inalmahan sinabi ni Duterte na ‘sensitive’ siya: ‘Ayoko lang talaga ng bastos’