November 23, 2024

Home BALITA National

Davao Oriental, niyanig ng magnitude 4.9 na lindol

Davao Oriental, niyanig ng magnitude 4.9 na lindol
Courtesy: Phivolcs/FB

Niyanig ng magnitude 4.9 na lindol ang probinsya ng Davao Oriental nitong Lunes ng hapon, Nobyembre 4, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa tala ng Phivolcs, tumama ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 4:32 ng hapon.

Namataan ang epicenter nito 15 kilometro ang layo sa hilagang-kanluran ng Boston, Davao Oriental, na may lalim na 10 kilometro.

Naitala  ang Instrumental Intensity II sa City of Bislig, SURIGAO DEL SUR at Nabunturan, DAVAO DE ORO.

National

Dela Rosa at Marcoleta, binisita si OVP Chief of Staff Zuleika Lopez sa ospital

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.

Ngunit inaasahan daw na magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.