December 23, 2024

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

Klea Pineda sa kaniyang jowa: 'Nandito lang ako sa tabi mo'

Klea Pineda sa kaniyang jowa: 'Nandito lang ako sa tabi mo'
Photo Courtesy: Klea Pineda (IG)

Nagpaabot ng isang sweet message ang Kapuso actress na si Klea Pineda para sa jowa niyang si Katrice Kierulf na nagdiwang ng kaarawan.

Sa latest Instagram ni Klea kamakailan, sinabi niyang si Katrice daw ang isa sa mga dahilan kung bakit siya patuloy na nagsusumikap sa buhay.

“Ikaw ang isa sa mga dahilan kung bakit patuloy ako nagsusumikap maabot mga pangarap ko. Hon, maraming salamat sa walang katumbas na suporta na pinaparamdam mo sa akin,” saad ni Klea.

“Ang wish ko para sayo ay ipagpatuloy mo lang ang iyong ginagawa para sa mga pangarap mo at sa kung anong makakapagpasaya sa puso mo,” aniya.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Dagdag pa ng aktres: “Parati mong tatandaan na nandito lang ako sa tabi mo parati (no. 1 fan mo kaya ako).”

Matatandaang Marso 2023, sa mismong kaarawan niya, nang aminin ni Klea sa publiko na bahagi siya ng LGBTQIA+ community.

MAKI-BALITA: Klea Pineda, may birthday pasabog; may inamin