Magbabalik-tambalan sa isang bagong pelikula ang patok na love team noong ‘90s na sina Jolina Magdangal at Marvin Agustin o kilala rin sa bansag na “MarJo.”
Sa isang Instagram post ng film production company na “Project 8” kamakailan, kinumpirma nila ang pagsasama ng dalawa sa pelikulang ididirek ni JP Habac.
“After more than 2 decades, MARJO (Marvin-Jolina) is back on the big screen! EX EX LOVERS Directed by JP Habac!” saad sa caption ng post.
Dagdag pa nila: “See you sa mga sinehan next year, mga ka-XXL! #ExExLovers.”
Umani naman ito ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:
"Im seated! OMG my MARJO and BujoyNed heart! "
"OMG THIS IS EPIC !!"
"The Original King and Queen of Hearts "
"Hopefully ipalabas dito sa Cali. Can’t wait to watch it!!!…"
"kakabahan ba kami sayo, direk JP? "
"MY HEART!!!!! "
“Hopefully ipalabas dito sa Cali. Can’t wait to watch it!!!…”
Makakasama nina Jolina at Marvin sa pelikula sina Loisa Andalio at JK Labajo.
Matatandaang noong Hulyo ay minsan na ring hiniritan ng mga netizen sina Marvin at Jolina ng isang reunion movie matapos nilang magsama sa isang video.
MAKI-BALITA: Jolina Magdangal, Marvin Agustin hinihiritan ng reunion movie