December 22, 2024

Home SPORTS

Angelica Yulo, proud sa anak niyang 'Golden Boy'

Angelica Yulo, proud sa anak niyang 'Golden Boy'
Photo courtesy: Angelica Poquiz Yulo (FB)/Gymnastics Association of the Philippines (FB)

Ibinahagi ng ina ni two-time Olympic gold medalist Carlos Yulo na si Angelica Yulo ang isang art card na nag-aanunsyo sa panalo ng anak na si Karl Eldrew Yulo sa 3rd JRC Artistic Gymnastic Stars Championships 2024 na ginanap sa Bangkok, Thailand.

Si Karl Eldrew ay nakasungkit ng gintong medalya at namayagpag sa individual all-around event ng Junior’s Division para sa Men’s Artistic Gymnastics (MAG), sa unang araw pa lang ng kompetisyon.

Matatandaang silver medal ang naiuwi ni Karl noong 2023 sa naturang torneo.

Buong pagmamalaki naman siyang pinuri at binati ng ina.

Angelica Yulo, proud na ibinida hakot awards na 'Golden Boy' anak na si Eldrew

"You did it"

"Congratulations"

"Goodluck sa finals," mababasa sa simpleng caption ni Angelica, re-shared ang congratulatory post mula naman sa Gymnastics Association of the Philippines.

Narito naman ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens:

"Wow mukhang si eldrew magbubuhos ng saya sayo madam, good luck sana hindi cya magbago gaya ng kuya niya..congratulations"

"Congratulations Eldrew Yulo wag ka sana magbabago gaya ng iyong kuya... stay humble and be kind to ur family god bless"

"Congrats to the proud parents madam Angelica Poquiz Yulo and sir Mark! Congrats Eldrew."

"Congratulations! Stay humble and family first."